Sa buong existence ko ay ngayon lang talaga ako nag-alala sa pagiging single. Hindi naman sana talaga big deal dahil hindi naman laging Valentine's Day pero parang habang tumatakbo ang mga araw eh kailangan ko ng isa pang kamay kasi hindi sapat yung mga kamay ko, parang hindi sapat ang isang pares ng paa sa paglalakad at hindi na ako nasisiyahang akapin ang aso ko o di naman kaya'y sumandal sa pader sa oras na kailangan ko ng karamay... kung meron lang akong clone wala nang problema pero dahil wala... mukhang kailangan kong ma-in love.
"You do not need to be loved, not at the cost of yourself. The single relationship that is truly central and crucial in a life is the relationship to the self. Of all the people you will know in a lifetime, you are the only one you will never lose." - Jo Courdert
Nakakainis minsan isipin na parang kinakain ko ang mga paniniwala ko noon na hindi naman kawalan ng isang tao na single siya o wala siyang taong kalambingan dahil sa totoo lang, medyo naiisip kong medyo mahirap pala talagang walang karelasyon dahil walang nangingialam sa iyo, walang nagtetext ng "gud am" o "gudnyt" o di naman kaya'y "mwah" o "XOXO", medyo nakakalungkot and on top of that...FRUSTRATING.
"By persistently remaining single a man converts himself into a permanent public temptation." - Oscar Wilde
Sana nga lang eh delectable ako, attractive o kahit man lang pleasing sa mata pero parang hindi. Hindi ko nga napapansin na nakakakuha ako ng pansin e maliban na lang kung ibubuka ko ang bibig ko at magsasalita saka lang nila maiisipan na may kwenta akong tao pero dalawa pa rin iyon, may mag-iisip na may utak ako (sana utak na lang raw ako) at meron rin namang nag-iisip na isa lang akong malaking joker at yung mga sinasabi ko ay parte lang ng isang skit na parang laging may maghihintay ng punchline mula sa akin o sa kung sino man na pwedeng magputok sa lumilipad kong ulo... pero kadalasan wala kaya iiwan na lang nila ko... flop ang act.
Hindi naman siguro ako ganun kapangit na kahilera nila Chokoleit pero sobrang common raw ng mukha ko at gaya nga ng sabi ng kaklase ko dati "Ay! kamukha mo yung pinsan ko saka yung dati kong kaklase saka sino pa ba yun!?!? ahh! yung nakatabi ko sa jeep kanina... ang dami mo palang kamukha? Ang common naman ng mukha mo! AHHAHA!!!" na hindi ko alam kung dapat ba akong magreact ako ng bayolente o hindi dahil hindi ko rin alam kung nilait niya ba ako o sinabi niya lang kung ano yung obserbasyon niya. Kung naging mas okey siguro ang itsura ko na parang pangStarstruck tapos ang height e parang pangbasketbolista eh hindi siguro ako single ngayon. Yun ay kung ganon.. kaso HINDI.
"If you are single there is always one thing you should take out with you on a Saturday night... your friends." - Sex in the City
Sa mga sandali ng buhay ko na wala akong pag-ibig na tila buong buhay ko yata eh mga kaibigan ang tumatayo kong security blanket/support group/date tuwing Valentine's day pero habang tumatanda tayo eh inevitable na magsasanga-sanga kayo ng daan. May mga aalis, may mga magiging super busy at merong trip lang magstay somewhere far. In years time eh magkakaroon na ng kani-kanyang pamilya ang lahat ng mga kaibigan ko alangan namang maghatak ako ng pamilyado kong barkada? Ngayon ko lang naisip yung tanong na "Sinong pipiliin mo? ung partner mo o yung friend mo? Maraming sumasagot sa friend na hindi nila naiisip na someday, mawawala rin si friend, hindi man totally wala pero hindi na pwede yung palagiang pagsasama ninyo kasi tatanda kayo at kasama ng pagtanda ang paghihiwalay...
"Sometimes you have to stand alone to prove that you can still stand." - Anonymous
Siguro nga malungkot ako ngayon kaya gusto ko ng lovelife... siguro nga kailangan ko ng mas matibay na paa para makahanap ng taong makakasama ko sa pagtanda...
Ang awkward nga eh dahil parang lagi kong tinitingnan ung palasingsingan ko, gusto ko na yatang magpakasal kaya lang wala pa... sabi nila pag lalaki raw eh madaling maghanap ng mapapangasawa pero lahat naman yata ay naghihintay nung taong talagang nararamdaman mong gusto mong makasama. Hindi naman contest yun ng kung sino unang magsasabi eh, nasa magsasabi iyan at sa pagsasabihan...pero hindi naman ako nagsisisi na wala pa rin hanggang ngayon dahil sa isang punto eh desisyon ko rin yun...
You have brains in your head. You have feet in your shoes. You can steer yourself in any direction you choose. You're on your own. And you know what you know. You are the guy who'll decide where to go." - Dr. Seuss
Hindi mo kawalan kung wala kang kapareha. Mabubuhay ka at maaaring maging masaya. Hihinga at makakakain. Magagawa mo ang normal na gawain. PERO... may mga bagay na masarap sanang gawin ng may nakahawak sa kamay mo na alam mong di ka bibitawan.
I am Billie.... blogging.
minsan you just need to feel..
ReplyDeleteoverdose sa pag gamit ng utak yan.
JOKE.
i love it,
ReplyDeletemasaya maging single.. you can do lots and loads of things..
kaso at the end of a tiring day.. maghahanap ka nung taong lalambingin ka, yayakapin and will tell you na anjan lang siya lage for you..
we can add lots of flavours in our single life, pero the most essential flavour, mahirap hanapin.. kase ibang tao lang yung makakapag bigay nun,,
haha.. naguluhan ako sa sinabi ko, naapektuhan lang ako nung blog. :)
single din kase ko, :P
alam mo may point ka rin sa sinasabi mo eh pero di lhat ng bgay kelangan madaliin kasi hindi rin naman masarap magkaroon ng relasyon kelangan isipin mo compatible ba kyo, may karelasyon k nga lagi namn kayong magkaaway di kayo magkasundo sa mga bagay na gusto mo at gusto nya
ReplyDeleteWhoaw.!!
ReplyDeleteThat post was really long..
sa haba.. kalahati lang binasa
ko.. XDDDD
Pero, Masaya din naman maging single
diba kuya :D
ahahah.. Wala lang..
napa-comment lang ako bigla.. XDDD
@hazhuna: eh kasi essayist type ako ng blogger.. ahahaa!
ReplyDelete