Sa dami ng messages na nabasa ko sa Facebook sa mga nakaraang araw at linggo eh isa lang talaga ang sobrang lakas ng clamor...REUNION.
1st year highschool ako ng mabasa ko ang libro ni Bob Ong na ABNKKBSNPLAKo! at isa sa mga parte doon ay tumalakay sa reunion na tila ba isang fright day kung ituring niya... naisip ko noon, ano bang nakakatakot sa araw kung saan makikita mo uli ang mga dating kaibigan at ka-ibigan, babalikan ninyo ang mga ala-ala at susubukang ibalik ang pagiging malapit sa isa't isa? Ano nga bang nakakasindak sa mga muling pagkikita-kita?
Noong nakaraang taon ay sinubukang magdaos ng isang reunion ang batch pero gaya ng inaasahan ay marami ang hindi nakarating at kasama na ako doon. Bilang isang estudyante ng panahong iyon ay marami akong kailangang palampasing social event lalo na kung hindi ko talaga gustong pumunta dahil sa pakiwari ko eh napakaaga pa para magdaos ng isang reunion... we barely finished college yet... Na-imagine ko kasi ang isang reunion 'pag nakakapagtrabaho na kami at namatay na ang lahat ng immaturity sa katawan namin. Pero siguro nga ako na lang ang kailangang maghilod ng immaturity sa aming lahat.
At sa mga susunod na panahon ay magkakaroon na naman ng reunion. Pupunta ba ako!?!?!
Sa highschool, hindi ako kahit kailan naging bida, indi ako matalino at lalong hindi ako ang taong gusto kong maging ako. Sa pagpasok ko noon sa college ay sinubukan kong maging mas mabuting "Billie" o kahit man lang isang tao na kayang irespeto ang sarili niya. Pinilit kong ipahayag nang mas aayos kung sino ako bagaman marami pa rin ang hindi natuwa sa akin at sa ugali ko, masasabi ko na mas minahal ko ang sarili ko at ang lahat ng naging kaibigan ko ay nakita ang tunay na ako... isang bagay na hindi ko nagawa sa highschool... nakatanggap ako ng respeto na kailangan ko para sa mga endeavors ko na kahit kelan ay hindi ko naramdaman sa highschool... Masasabi kong mabuting kaibigan ang lahat ng naging kaibigan ko noong highschool at talagang tinutulungan nila ako sa mga pagkakataong kailangan ko ang tulong nila pero ang mga college friends ko ang nagbigay sa akin ng zeal para ituloy ang mga bagay na gusto kong gawin at kahit mabigo man ako ay alam kong nandyan sila at hindi nila ako hinuhusgahan dahil alam nilang marami akong kahinaan...
I feel like a shit while I was in highschool especially in my last few months there and how I wish I could make the clock ticks faster... I can't blame no one for anything that had happened in my highschool days... I was alone in that fight and I know I won but not of TKO neither of a unanimous decision but of default... i had noone to fight with but myself... "I had to stop it", I told myself then but now that I am a little more confident of myself... I had to face the people who have known the person from the past and not me, today... How can I say that I have grown to a better person when in the first place, they don't even bother to know?
Nagpapanic lang ako pero wala naman talagang problema... 'Pag nandyan 'yan saka na lang problemahin... pero habang hindi pa dumarating... i'll enjoy life to its fullest... and reminisce of the uncountable times I was happy in highschool...
whether i'll come or not depends on how things will turn on the following months or even years but for now... I'll stay as Billie...bloggista.
No comments:
Post a Comment