"Hindi ka na natuto! Ilang beses ko bang dapat ipaalala na di ganyan yung paglagare ng kahoy?!? Kung yang maliit na bahay na kahoy e di mo kayang gawinng maayos, hinding hindi ka talaga pwedeng maging magaling na engineer."
Ganun naman lagi e... hindi siya proud at hindi magiging proud sa'ken. Kahit na anong gawin ko parang kapos, parang kulang. Ang hirap naman kasing lumakad sa anino niya na masyadong mataas.. kumpara sa kanya, wala talaga akong kwenta... Hindi niya naman ako pinilit na sundan ang yapak niya pero parang pakiramdam akong obligado akong sundan siya dahil ako lang ang anak niyang lalake.
Bata pa lang ako ay sinusubukan ko siyang gayahin, ganun yata pag anak na lalake, ina-idolize nila ang mga tatay nila, nagkakatalo na lang kung ma-outgrow nila ang tatay nila na sa kaso ko e imposible yatang mangyari. dahil masyado ng magaling si Papa para malampasan ko. Sa madaling salita, hindi lang basta idol si Papa para sa akin kundi isang hero... at tulad ng isang tagahanga sa kanyang hero.. hinihintay ko lagi ang approval niya, ang ngiti niya na magpaparamdam sa akin na magaling nga ako...
July 30, 2007.
Dumating ang Kryptonite ng Superman ng bahay. Nadiagnose si Papa na merong prostate cancer at nasa stage 4 na. Ako, si mama at ang dalawa kong mga kapatid ay parang pinagsakluban ng langit at lupa pero si Papa, tulad ng kung paano siya lagi ay kalmado, malakas at nakatindig ng tuwid. Di raw siya magpapachemo therapy, nirespeto namin ang desisyon niya dahil kung hindi, hindi rin naman kami mananalo dahil gusto niya ang masusunod. Totoo rin naman ang sinabi niya, pwedeng umikli pa ang buhay niya pag nagpachemo siya.
Lumipas ang ilang linggo at kahit pinakamalalakas na pain relievers ay di makayanang patigilin ang kirot na nararamdaman ni Papa. May mga gabi pa nga na sisigaw siya ng malakas at maririnig namin na tila umiiyak siya o di naman kaya'y nagdarasal para mawaal ang nararamdamang sakit, sa mga ganung pagkakataon, di siya lumalabas ng kwarto para di namin siya makitang hirap at nasasaktan, pag labas niya ng kwarto, hindi mo mababanaag na siya yung humihiyaw sa sakit. Siya pa rin yung well-groomed at well-mannered na lalakeng lagi kong tinitingala at kahit kelan e hindi yumuko para titigan ako.
Naiinis din ako sa kung paano siya umasta na parang napakalakas niya kahit na may sakit siya at alam naming nahihirapan. Gusto lang naman kasi namin siyang aluin, tanungin kung okay lang siya pero kung ganon siya na parang mas malakas pa kesa samen... paano namin gagawin yun?
October 23, 2007.
Tinaningan na siya ng doktor... tatlong buwan na lang raw ang ilalagi niya sa mundo. Nagalit ako.. naiyak si Mama pero si Papa, kalmado pa rin at nagsabi pang "buti naman at maaabutan ko pa ang pasko"
Ngumiti si Mama pero hindi napigilang umiyak nang tuluyan. Tumindig ako at si Papa. Nagpapanggap muling malakas para sa buong pamilyang samen lang humuhugot ng pag-asa.
October 31, 2007.
We celebrated Halloween ala Christmas.
May pagkain kaming hinanda para mapagsaluhan sa bisperas ng Todos los Santos. Lahat tahimik pagtapos ng pagdadasal na para bang naghihintay ng susunod na kabanata.. si Papa ang bumasag sa katahimikan.
"Next year, ako na ang ipagtitirik nio ng kandila."
Lahat umiyak pwera ako at nang akmang tatayo ako e niyaya ako ni Papa sa bakuran.
"Sige na. Umiyak ka na. Okay lang yan.." sabi niya sa akin
napatingin na lang ako sa kanya at hindi ko na napigilang humagulgol ng iyak.
"Ikaw lang ang inaasahan ko. Pag wala na ako, maging malakas ka para sa mama mo. Iiyak mo na lahat ngayon para sa oras na mamatay ako, hindi ka na iiyak.. promise that."
"ok po."
"Nakita ko na nga pala yung ginawa mong wooden house. Maganda. Mahusay. I always knew you could make such. I'm proud of you."
Those words... I've waited for it. At last.. I've heard it...
December 1,2007.
Birthday ni Mama.
Binigyan siya ni Papa ng isang diamond ring at bumulong ng
"I'll be gone soon.. but this one's forever. I love you."
Naluha si Mama at niyakap si Papa.
I never thought that my dad is that romantic but he is... and I've witnessed it with my eyes.
December 24, 2007
All is set... It's Christmas Eve
Niluto ni Mama lahat ng pabotitong pagkain ni Papa. Morcon, Pancit Palabok, Caldereta at custard cake...
Alam kong gusto ng lantakan ni Papa ang pagkain pero di niya magawa.. gusto namin siyang bumangon sa pagkakahiga pero hindi na pwede..
kinulong siya ng isang kahon na may salamin sa ibabaw.
Pero sa puntong ito nakangiti siya.
Isang bagay na di niya madalas ginagawa.
Hindi ko siya nakitang namatay. Bumagsak na lang daw bigla mula sa upuan at walang nakakita.
Andaya niya.
Tulad ng dati, di siya nagpaawat.
Di man lang siya nagpaalam ng maayos.
Walang huling habilin at ngayon..
kailangan pang wag ko siyang iyakan.
Pero ginagawa ko.. pinipilit ko...
dahil tulad niya kailangan ko ring maging isang hero...
and even heroes fall...
no one should see them falling.
No shedding of tear...
I'll try my best not to fall..
or at least no one should see me falling just like my old superman.
Friday, November 5, 2010
Saturday, August 14, 2010
AYOKO!!!
Ayoko sa plastic...
ewan ko kung ikaw gusto mo pero ako ayoko... prangka ako at totoo kaya inaasahan ko na kahit papaano e ganon rin sa akin an ibang tao
Ayoko sa bobo...
hindi ako matalino. Sakto. Kung bobo ko at bobo ka pa, baka sumabog tayo pero kung magpapanggap kang matalino, galingan mo.
Ayoko sa emo...
malulungkutin kasi ako kaya kung emo ka pa, dala ka na lang ng blade para magjamming tayo at makapagsaya sa langit
Ayoko sa user...
lahat tayo user pero may mga taong sagad ang pagiging user... wala akong balak na masama sa inyo... wag na lang kayong lumabas sa bahay niyo
Ayoko sa Math...
hindi ako mahilig magcompute at lalong ayokong dumudugo ang utak sa mga bagay na hindi ko maiapply sa mga bagay sa buhay ko.. pakialam ba ng tangent at cotangent sa pagiging ganito ko?
Ayoko sa mga tamad...
tama ka... ayaw ko sa sarili ko.. NEXT!
Ayoko sa mga mambabasag ng trip...
Kung gusto mong sabihan kita ng magaling, sasabihin ko na, wag ka lang umepal sa mga pagkakataong masaya ako
Ayoko sa mga judgmental at ipokrito...
Ano'ng feeling niyo? Magaling kayo? Sige kayo na...
Ayoko sa mga tahimik...
Masyado nio akong binibigyan ng pagkakataong mag-ingay
Ayoko sa mainit...
Lahat naman yata e.. kaya nga naimbento ang aircon at pamaypay diba?
Marami pa akong ayoko... Ibig sabihin mas marami akong gusto..
Kung pwede lang matulog at makuha ang lahat ng ninanais..
Kanina pa sana ako natulog...
Ampalaya
Tatanda ka rin at ang balat ay kukulubot
Ayoko...
Ayokong magkaroon ng kulubot. Ayokong manghina ang tuhod.
Ayokong maging uugod-ugod. Ayoko.
Ilang araw lang ang nakakalipas ay nakakita ako ng isang matandang lalake na nakasakay sa jeep... hindi siya makasabi ng para at ang tungkod ay itinutuktok para lang sabihing siya'y bababa na... lumagpas siya tulad ng inaasahan at banaag sa mata ang takot, lungkot at pagkalito sa kalsadan minsan niya ring tinahak ng buong giting at tapang...
Malamang mas malakas siya sa akin nung siya'y nasa kanyang kabataan,
Malamang mas naging batak ang katawan sa pang-araw araw na gawain
Malamang mauwi rin ako sa kanyang kalagayan kung ako'y lipasan ng panahon
Mabilis ang takbo ng sasakyan at siya'y patawid, kung ang mga sasakyan man ay siya'y mahagip...
Sa langit, dun na lang niya tayo masisilip...
Sunday, May 30, 2010
Pagtapos ng recess...
Malapit na naman pumatak ang ulan ibig sabihin, pasukan na naman. Bukas enrollment ko at sa kung ano mang dahilan e excited akong tapusin ang kolehiyo ko. Nakikibalasa ako sa mga baraha ng bukas na sana e makakuha man lang ng alas para sa pusoy dos ng buhay, isang pares lang ng alas e tatakbo na ang hawak kong tripleng kasiyahan... sana lang hindi pa ako kapos sa oras.
Sa panahong naghahanap ako ng kabuluhan sa buhay kong dati e tumatakbo lang pero walang patutunguhan ay sinubok kong magturo bilang isang tutor. Ang labong isiping tumakas ako sa eskwela pero sinuong ang pagtuturo. Pero siguro nga eh kinailangan kong magkaroon ng isang bagay na dati ay wala... PASENSYA.
Mahirap magturo at alam ko na yun mula pa noon dahil nababasa ko sa libro at naririnig mula sa kung sinu-sino pero pag andun ka na, iba ang experience... bittersweet. Nakakabwisit ang ingay at mga mahihirap na subjects, nakakadisappoint ang mga mabababang grades at times 10 ang hirap pag malapit na ang mga exams. Sa unang buwan ko eh maayos naman, nakakangiti ako at nakikitawa sa mag bata at punung-puno ng mga pangarap na magiging maayos ang mga bagay-bagay, na magiging cool teacher ako pero habang tumatagal eh hindi na ako cool...cold na at madalas ng mainit ang ulo, unti-unti na pala akong kinakain ng stress hindi ko pa namalayan dahil ayoko namang isipin ng pamilya ko na epic fail talaga ako kaya maganda lagi ang kwento ko tungkol sa unang trabaho ko pero paglipas ng tatlong buwan eh bumigay ako at nagpasya akong magresign pero hindi rin na ako nakaalis dahil wala naman akong ibang gagawin at unti-unti ko ng nakukuha ang trabaho na noon e kinaiinisan. Makukulit na bata. Mga pressures sa sariling buhay. Utak na di nakikisama. At marami pang iba... Lahat yan nakikipagsabayan sa hirap ng pagpapaintindi sa mga bata ng mga leksyon na kahit ikaw mismo e kinabwisitan mo rin nung araw pero kailangan mong gawin eh dahil trabaho mo yun.
Araw-araw na lang e sinusumpa ko nuon ang mga hapong nagtuturo ako. Nakikipagsisihan sa sarili ko dahil pakiramdam ko eh palpak ako sa desisyong ginawa ko. Para akong naglalaro ng Laban o Bawi na nag-aakalang may isang milyon pero hanggang sa huli eh hindi na binuksan ang laman ng kahon. Para akong si Willie na naghihintay na aluin para mawala ang badtrip araw-araw. Para bang pagpasok ko eh hindi na matatapos ang isang araw at sa tuwing sasabihin kong "bye" ay nagkakaroon ako ng pag-asa na bukas e mas magiging maayos ang aking araw. At awa ng Diyos eh naigapang ko ang isang taong pagsubok. At ako'y nalungkot sa araw na iyon dahil kahit makulit ang mga bata e mabuti sila... sweet ika nga. Sa kanila ko natutunan ang pasensya at kung ano ang halaga nito. Natutunan ko sa kanila na hindi madali ang mga exams sa eskwela pero mas mahirap ang test ng totoong buhay. Natutunan ko ang ngumiti kahit pagod at inis dahil hindi lang bata ang pwedeng humagalpak ng tawa, lahat pala pwede ring maging walang pakialam sa mundo kung minsan. Natutunan ko ring mas masarap pala ang maging bata kaya habang bata ka ay gawin mo lahat ng gusto mo, tuparin mo ang pangarap mo dahil hindi ka laging bata; tutubuan ka ng uban at kukulubot ang mukha at minsan pa'y babalik ka sa lupa. Nalaman ko ring andami ko pa palang hindi alam at kailangan malaman at mas marami pala akong natutunan kesa sa naituro...
Iba na ngayon... babalik ako muli sa apat na sulok ng kwartong minsan kong nilisan. Paborito kong pwesto ang teacher's table, parang ayoko na dun ngayon. Ayoko na muna.
Magtataas na naman ako ng kamay para sa recitation, kakalabit sa kaklase para sa paminsang huntahan habang nagsasalita si maam, maaamoy ko na uli ang mahiwagang whiteboard marker at makikinig muli sa mahahabang litanya pero gagawin ko ito ng nakangiti dahil pagkatapos ng matagal na recess, babalik ako uli sa klase. Sana lang di ako matawag na Tardy.
Ako si Billie...blogging.

Tuesday, March 30, 2010
What the Fuss!??!
RICKY MARTIN IS GAY!!!!
Iyan lang naman ang balitang pinagkakaguluhan ng mga tao ngayon at sa tono ng mga boses ni Jay Taruc at Mel Tiangco sa 24 oras eh parang issue ito ng pagtaas ng piso o di naman kaya'y pagdating ng mga Martian mula sa buwan at sa pagbibigay ng importansya ng Yahoo news rito kasama ng balitang "door" to after life dug up in Egypt e parang binomba uli ang America sa sobrang importansya ng balita... eh ano ngayon kung bading si Ricky Martin o si Piolo o kaya si Sam? ano naman ngayon?
People sometimes think I'm gay because I once played a gay in a movie. It's funny. Audiences don't think you're a murderer if you play a murderer, but they do think you're gay if you play a gay. ~Perry King
Malamang makakuha na naman ako ng puna tungkol sa sekswalidad ko tungkol rito, dahil sa tagal ng existence ko eh iyon na yata ang malimit na itanong sa akin na mabilis ko rin namang sasagutin. Hindi ako bading pero nararamdaman ko minsan ang public ridicule lalo na kapag tinatanong ako at ang pinakanakakainis ay may ilang tao na kilala mo mula nuon na mula ng makilala ka eh yun na ang tanong at sa pagkikita ninyo uli ay iyon pa rin ang tanong dahil lang sa simpleng kadahilanan na hindi ka katulad kumilos ng karamihan. Sobrang double standard ng society at hindi lang sapat na maging straight ka para mas maging tanggap ka ng buong sistema, kailangan rin kumikilos ka ayon sa stereotypes... na parang nangyari sa akin ng manuod ako ng isang cheesy flick at sinabi sa akin ng isang kakilala na "eew!", sumagot ako ng bakit at sinundan niya na cheesy kasi yung pelikula tapos lalaki ka o lalaki ka nga ba?, na parang dahil ba sa isang pelikula eh masasabi mo na ang sexual orientation ng isang tao? o dahil sa damit, accessories sa katawan o maging hairstyle? Pero base sa ginawa naming research noon, OO ang sagot... dahil lumaki tayo sa isang mundong may double standard na naniniwala sa stereotypes at "moralistang pananaw", lahat ng hindi umayon sa panlasa ay sinasabi ng abnormal.
As long as society is anti-gay, then it will seem like being gay is anti-social. ~Joseph Francis
Nang marinig ko nuon na kasama pala sa mga sinasabing mental ailment na nakalista sa DSM o Diagnostic Statistical Manual for Mental Disorders ang Homosexuality eh napakunot ako ng noo at nasabi kong "bading lang may sayad na?" pero dahil nga naging mas bukas na ang isipan ng marami (basta more than one marami na) eh tinanggal na ito mula sa 3rd edition hanggang sa ilalabas na 5th edition. Pero malamang isa nga itong social problem... sa totoo lang ay wala naman sanang issue dahil konti na lang ang taong tumataas ang kilay sa mga cross dresser o sa mga bakla sa kalye, napapatawa pa nga nila tayo pero pag nasa loob na sila ng pamilya o nasa malapit lang sila ay dun na pumapasok ang usapin ng mahirap na pagtanggap... sa totoo lang medyo alangan naman kasi talagang maisip na naglalampungan ang dalawang lalake o dalawang babae sa isa sa mga bench sa park na ginagawa rin ng ibang magsyota, patunay na rin siguro ng sinabi ni Boy George "There's this illusion that homosexuals have sex and heterosexuals fall in love." siguro nga... totoo...
I'm a supporter of gay rights. And not a closet supporter either. From the time I was a kid, I have never been able to understand attacks upon the gay community. There are so many qualities that make up a human being... by the time I get through with all the things that I really admire about people, what they do with their private parts is probably so low on the list that it is irrelevant. ~Paul Newman
Naisip ko na nag-ugat na naman ito sa kawalan natin ng respeto... sabi ni Rick Warren sa libro niyang "A Purpose Driven Life" na lahat ng tao ay nilikha ayon sa plano ng Diyos at kung kukunin natin ang pananaw ng mga homosexuals na mula bata ay ganon na sila so kung ganon sila ginawa, bakit kailangang baguhin pa? Sa kabilang banda, marami rin kasing miyembro ng third sex ang mapangahas, medyo mahilig magtake advantage. Kung respeto sa inyong kasarian ang hinihingi ninyo ganon na rin sana ang respetong ibigay ninyo sa ibang tao lalo na sa mga taong natitipuhan ninyo sa loob ng palikuran (lalo na sa mga bading, wag na po sana kayong dumungaw kasi meron rin naman po kayo nung gusto ninyong makita eh).
When I was in the military they gave me a medal for killing two men and a discharge for loving one. ~Epitaph of Leonard P. Matlovich, 1988 (Thanks, Marlene)
Give the honor due to a person and never should we regard their sexual preference in showing them some respect. I think it's about time that we stop making fuss over this matter, after all Freud said that if we are to treat homosexuals abnormal, we should also treat heterosexuals as such... Lets all treat each other equally... I think that's fair.
This is Billie.. blogging.
Sunday, March 28, 2010
I do.
Sa buong existence ko ay ngayon lang talaga ako nag-alala sa pagiging single. Hindi naman sana talaga big deal dahil hindi naman laging Valentine's Day pero parang habang tumatakbo ang mga araw eh kailangan ko ng isa pang kamay kasi hindi sapat yung mga kamay ko, parang hindi sapat ang isang pares ng paa sa paglalakad at hindi na ako nasisiyahang akapin ang aso ko o di naman kaya'y sumandal sa pader sa oras na kailangan ko ng karamay... kung meron lang akong clone wala nang problema pero dahil wala... mukhang kailangan kong ma-in love.
"You do not need to be loved, not at the cost of yourself. The single relationship that is truly central and crucial in a life is the relationship to the self. Of all the people you will know in a lifetime, you are the only one you will never lose." - Jo Courdert
Nakakainis minsan isipin na parang kinakain ko ang mga paniniwala ko noon na hindi naman kawalan ng isang tao na single siya o wala siyang taong kalambingan dahil sa totoo lang, medyo naiisip kong medyo mahirap pala talagang walang karelasyon dahil walang nangingialam sa iyo, walang nagtetext ng "gud am" o "gudnyt" o di naman kaya'y "mwah" o "XOXO", medyo nakakalungkot and on top of that...FRUSTRATING.
"By persistently remaining single a man converts himself into a permanent public temptation." - Oscar Wilde
Sana nga lang eh delectable ako, attractive o kahit man lang pleasing sa mata pero parang hindi. Hindi ko nga napapansin na nakakakuha ako ng pansin e maliban na lang kung ibubuka ko ang bibig ko at magsasalita saka lang nila maiisipan na may kwenta akong tao pero dalawa pa rin iyon, may mag-iisip na may utak ako (sana utak na lang raw ako) at meron rin namang nag-iisip na isa lang akong malaking joker at yung mga sinasabi ko ay parte lang ng isang skit na parang laging may maghihintay ng punchline mula sa akin o sa kung sino man na pwedeng magputok sa lumilipad kong ulo... pero kadalasan wala kaya iiwan na lang nila ko... flop ang act.
Hindi naman siguro ako ganun kapangit na kahilera nila Chokoleit pero sobrang common raw ng mukha ko at gaya nga ng sabi ng kaklase ko dati "Ay! kamukha mo yung pinsan ko saka yung dati kong kaklase saka sino pa ba yun!?!? ahh! yung nakatabi ko sa jeep kanina... ang dami mo palang kamukha? Ang common naman ng mukha mo! AHHAHA!!!" na hindi ko alam kung dapat ba akong magreact ako ng bayolente o hindi dahil hindi ko rin alam kung nilait niya ba ako o sinabi niya lang kung ano yung obserbasyon niya. Kung naging mas okey siguro ang itsura ko na parang pangStarstruck tapos ang height e parang pangbasketbolista eh hindi siguro ako single ngayon. Yun ay kung ganon.. kaso HINDI.
"If you are single there is always one thing you should take out with you on a Saturday night... your friends." - Sex in the City
Sa mga sandali ng buhay ko na wala akong pag-ibig na tila buong buhay ko yata eh mga kaibigan ang tumatayo kong security blanket/support group/date tuwing Valentine's day pero habang tumatanda tayo eh inevitable na magsasanga-sanga kayo ng daan. May mga aalis, may mga magiging super busy at merong trip lang magstay somewhere far. In years time eh magkakaroon na ng kani-kanyang pamilya ang lahat ng mga kaibigan ko alangan namang maghatak ako ng pamilyado kong barkada? Ngayon ko lang naisip yung tanong na "Sinong pipiliin mo? ung partner mo o yung friend mo? Maraming sumasagot sa friend na hindi nila naiisip na someday, mawawala rin si friend, hindi man totally wala pero hindi na pwede yung palagiang pagsasama ninyo kasi tatanda kayo at kasama ng pagtanda ang paghihiwalay...
"Sometimes you have to stand alone to prove that you can still stand." - Anonymous
Siguro nga malungkot ako ngayon kaya gusto ko ng lovelife... siguro nga kailangan ko ng mas matibay na paa para makahanap ng taong makakasama ko sa pagtanda...
Ang awkward nga eh dahil parang lagi kong tinitingnan ung palasingsingan ko, gusto ko na yatang magpakasal kaya lang wala pa... sabi nila pag lalaki raw eh madaling maghanap ng mapapangasawa pero lahat naman yata ay naghihintay nung taong talagang nararamdaman mong gusto mong makasama. Hindi naman contest yun ng kung sino unang magsasabi eh, nasa magsasabi iyan at sa pagsasabihan...pero hindi naman ako nagsisisi na wala pa rin hanggang ngayon dahil sa isang punto eh desisyon ko rin yun...
You have brains in your head. You have feet in your shoes. You can steer yourself in any direction you choose. You're on your own. And you know what you know. You are the guy who'll decide where to go." - Dr. Seuss
Hindi mo kawalan kung wala kang kapareha. Mabubuhay ka at maaaring maging masaya. Hihinga at makakakain. Magagawa mo ang normal na gawain. PERO... may mga bagay na masarap sanang gawin ng may nakahawak sa kamay mo na alam mong di ka bibitawan.
I am Billie.... blogging.

Friday, March 19, 2010
Ang Mamatay ng Dahil Sayo.
"Ang mamatay ng daheeeeeeeel.... sayo!!!!!!!"
Ganyan kantahin ng mga singers sa kasalukuyan ang huling linya ng ating pambansang awit. At ang dakilang National Historical Institute o NHI ay nabagsakan na naman ang pinakahuling mang-aawit sa laban ni Pacquiao kay Clottey, ang lead vocalist ngayon ng legendary band na The Journey. Approve nga ba sa masa ang pagkanta ni Arnel Pineda sa ating national anthem.
Sa paglaganap ng usapin tungkol sa maling pagkakakanta ni Arnel Pineda sa Lupang Hinirang ay samu't saring depensa ang natamo ng mang-aawit mula sa mga kasamahan sa industriya at sinasabing bilang isang mang-aawit ay mayroon silang expression na ginagawa sa pag-awit ng isang kanta. Artistry. Freedom of expression. Inilalagay ang kaluluwa at emosyon sa isang awitin. Ok sana kung hindi national anthem.
Personally, hindi ko nagustuhan ang pagkakakanta ni Arnel Pineda. Nang marinig ko ang huling linya ng kanta eh napatulala ako at sinalo ang ulo ko... Epic Fail! Sabog ang huling linya... kung concert yun, malamang naghanap ng refund ang mga nanuod. Hindi ko sinasabing hindi magaling na singer si Pineda dahil ayos ang high pitches niya at talaga namang mahirap kantahin ang Bayang Magiliw este Lupang HInirang. Ang pangit lang talaga eh yung ibirit ang kanta na parang naghihintay sila ng komento mula kay Simon na "welcome to Hollywood"... parang shining moment ba ang tingin nila roon? Parang sa oras na ibirit nila yung huling notang iyon eh gusto kong magtago sa hiya dahil kung maririnig mo ang pagkakakanta ng National Anthem ng Mexico o Amerika eh maririnig mong standard, iba yung boses pero yung emosyon at tempo at tono yun pa rin kaya nagtataka ako kung bakit sa atin eh laging iba... Tama nga ang sabi ng ilang nagkomento... national anthem yun.. hindi basta kanta.. it represents the country.... andaming nagpapalampas ng isyu.... pero sa totoo... sa simpleng kanta... napakita natin dapat kung gaano tayo kaPilipino... kung iisipin, walang dapat ipagtaka kung bakit maraming batas sa Pilipinas pero mas marami ang sumusuway dahil sa simpleng tono ng pambansang awit e hindi natin masabayan... lagi tayong may excuse kahit pwede naman sanang umoo at sumunod...
Ako si Billie.... mamamatay nang dahil sayo.,. blogging.

Tuesday, March 16, 2010
Project: Purpose
Purpose (pur-pus)- n. An anticipated outcome that is intended or that guides your planned actions
Kahit na sino ka man, ano pa man o kahit kailan ka pa pinanganak eh may purpose o layunin ka sa buhay...
Sa pagbasa ko ng purpose driven life eh sinabi ni Rick Warren na bilang isang tao eh kailangan nating maging tapat na alagad ng Panginoon, ang ating puso at talino kasama ng ating talento ay dapat ialay sa Kanya lamang. Iyan ang tipikal na paniniwala na nais itanim ng simbahan sa bawat isa sa atin. Sa ilang self-help books naman ay nabasa ko na kung saan daw ang hilig mo o kung saan ka magaling eh dun ka magfocus... Meron namang ilang nagsasabi na "follow your heart"...pero ano nga ba ang purpose natin sa mundo?
Gusto kong isipin na lahat tayo ay may kanya-kanyang purpose.. kanya-kanyang role.. kanya-kanyang silbi. Tama! kaya naman tayo naghahanap ng purpose para magkaroon ng silbi... Isang hamon na kailangan nating tanggapin para masabing buhay tayo at para masabi na rin na ang buhay na meron tayo ay hindi lang nalaan sa pagbuga at paglanghap ng hangin.. gusto nating patunayang higit tayo sa kung ano man o sinumang nakilala natin...
Sa isang pagkakataon eh nagbasa ako ng mga notes ng mga friends ko sa Facebook hanggang nakita ko ang isang kwento tungkol sa isang estudyanteng nagreport tungkol sa magandang location ng cellsites at nabanggit raw ng estudyante na dapat walang rebelde roon dahil baka raw pasabugin nito ang mga itatayong cellsites. Tumayo diumano ang propesor at nagwikang "yang mga rebelde na yan..may pinaglalaban yan, pero hindi ung abu sayaff ah, iba yon. yang mga binabanggit mong rebelde humihingi ng tax yan sa mga kompanya para makapag patuloy sa mga layunin nila. hindi nyu nga alam sa ibang lugar mas tanggap yang mga yan kesa sa iba. mas mahal pa ng tao yan kesa sa alam nyo." Napag-isip tuloy ako ngayon kung anong layunin kaya ito? Labas na kung tama o mali ang layunin pero kailangan ba talagang gawin ito?
Wala naman talaga tayong masasabing eksaktong layunin na dapat nating sundin bukod sa mga bagay na sa tingin antin eh mahalagang gawin at pagtuunan ng pansin, kung ikaliligaya mo at hindi ikasasakit ng iba...walang masamang ipagpatuloy ito... Sa usapin ng layunin ng isang organisasyon lalo na ng mga rebeldeng nabanggit sa itaas, sa totoo lang wala naman talaga akong pakialam masyado sa kanila.. sa ilang pagkakataon ay may nakausap ako na nagsasabing ok sila bilang tao at hindi ko aalisin ang kanilang karapatang matawag na mabuti at may paninindigan.. hindi ko rin kukuwestyunin ang kawastuan ng sinasabing layunin ngunit ang argumentong binigay ng propesor... yun ang sa tingin ko ay medyo palyado. Bilang tao, naniniwala akong ang isang layunin ay dapat hindi makaperwisyo sa mga tao lalo na kung ito ang nais mong pagsilbihan. Bakit buwis ang kailangang hingin? Hindi ba dapat na sa mga sumusuporta lamang ng buong puso adpat na humingi ng tulong? Kung sa pagpapasabog ng cellsites, pagransak ng ari-arian eh naging tulad na rin sila ng kanilang nilalabanan? Hindi ba sa paggawa nito eh lumalabaga sila sa isang pangako na magdulot ng isang mabuting pagbabago? Ang sabi nga nila, ang tama pag kinuha sa maling pamamaraan mali na rin...
Kailangan natin ng pagbabago.. pero dapat magsimula ito sa atin... at marahil iyon ang layunin natin... ang maging mas mabuting tao... kung sa ating sarili ay hindi natin ito mapatupad, marapat lang siguro na wag tayong makialam sa pagpapatupad ng mabuting pagbabago sa iba...
Ako si Billie... blogging...

Tuesday, March 2, 2010
Scaaaary Stories
Hindi ko mawari kung bakit sa bawat umpukan eh nadadawit ang mga kwentong kababalaghan na sinusundan ng mga tanong na "totoo ba iyan?" at natatapos sa mga nakataas na balahibo sa tiyan....pero bakit nga ba tayo mahilig sa mga kwentong katatakutan? *natutuwa ako at nakagawa ako ng rhyme* =)
Mas mahilig ang mga kabataan sa mga kwentong katatakutan, at ito ang pinakagusto nilang marinig na kwento sa akin na talaga namang iniiwasan ko. Hindi kasi ako ganoon kakomportable na magkwento ng mga ghost stories dahil ako ang unang natatakot dito. Kapag nagkukuwento ako ng mga nakakatakot eh hindi ko maiwasang magkaroon ng goosebumps at sa edad kong ito eh hirap akong aminin na sa pagkakataong natakot ako eh gusto ko na lang tumakbo sa kama ko at magtalakbong na para bang hinahabol ng sanlibong tipaklong...oo.. takot ako sa tipaklong. Takot ako sa insekto at sa mga reptiles pero ag ipaliwanag kung bakit eh malamang sa mga susunod na pagkakataon na lang.
Balik sa ghost stories. Hindi ko pa rin maipaliwanag kung bakit napaka-in demand nito sa mga Pilipino lalo na sa mga kabataan na para bang addicted na sila rito. Naalala ko tuloy nung highschool kami eh sobrang naging sikat ang mga libro tungkol sa mga ghost stories ng kung sinu-sino at talaga namang andaming kopya ang nabenta nito at sa sobrang dami eh nagkaroon ito ng volumes 1 hanggang infinity na sa totoo lang eh ni isang volume eh hindi ko natapos dahil ayoko na itong tapusin. May lingering effect kasi ang mga ghost story books na para bang kahit ilang araw na ang lumipas eh inuukilkil pa rin nito ang utak mo at pinapaalala yung duguang kamay na humawak sa paa, mga pulang matang nakadungaw sa bintana at mga ummm... wag na nga. Basta ayokong magbasa ng ghost stories dahil kumakabog talaga ang dibdib ko sa tuwing makakabasa ako ng nakakatakot na kwento (paalala: sa mga nakakatakot lang dahil pag di nakakatakot eh naiinis naman ako).
Ayoko sa mga kwentong kababalaghan. Kahit na sabihing natutuwa ang isip ko sa mga kwentong umaaliw sa malikot kong imahinasyon eh pagtapos ng magagandang ideya ay napapalitan ito ng katakut-takot na pag-iisip na paano kung maging multo ako o kung multo na pala talaga ako tulad ng nangyari sa isang pelikula ni Nicole Kidman. May multo nga kaya at may multo kaya sa tabi ko?!?!
Isa rin naman akong bata na naaliw sa mga kababalaghan. Sa isang pagkakataon ng elementary life ko eh niyakap ko pa ang isang riual na ginagamit upang tumawag sa mga kaluluwang naliligaw. Ang tangi mong kailangan ay dalawang matulis na bagay na iyong pagdurugtungin na para bang pagdurugtong mo sa dalawang mundo, ang kalalabasan: SPIRIT OF THE BALLPEN. Cool. agandang gamitin ang panda, yung may butas ang pwet. Malalaman mo ang sagot sa pag-angat, pagbaba, pagtagilid at hindi nito paggalaw. Alam kong kakornihan at pwede kaming sabitan ng medal for BEST in KSP. Hindi ko alam kung epekto yun ng paso namin sa champorado o kabag na dulot ng panis na spaghetti pero isa iyon sa mga bisyo na aking kinasadlakan at pinangako na hindi na babalikan.
Ayoko sa mga ghost stories. Pakiramdam ko kasi eh hindi ito kailangan sa buhay. Kahit na minsan eh may mga pangyayaring nakakatakot at hindi maipaliwanag e mas gusto kong hayaan na lang ito at wag nang bigyan ng sobrang pansin. Kung kailangan man ng tulong ng mga nasabing kaluluwa sigurado akong hindi ako ang taong makapagbibigay ng tulong na iyon.
Nakakaaliw isipin na lahat tayo eh naaliw sa mga kwentong katatakutan, kinakabahan sa mga ghost stories na mga nakasulat sa aklat pero sa bawat aklat na tayo ang bida eh pihadong isa lang ang ending...kung anuman ang paraan ng pagtatapos eh isa pa rin ang kahihinatnan. Lahat tayo eh posibleng maging parte ng mga susunod na huntahan tungkol sa mga multo at ligaw na kaluluwa, pwede ring tumawid tayo sa kabilang mundo at matawag ng mga batang may hawak ng magkahugpong na bolpen o pwedeng makasama na rin natin ang ating Tagapaglikha pero wala pa ring nakakaalam, wala pa ring may kasiguraduhan ng kahihinatnan.
Lahat tayo ay aalis...isa-isa...pwedeng may kasabay pero ang aral na iiwan ng ating kwento... tayo lang ang makakapagtakda...
Ako si Billie, kung minsa'y nananakot at natatakot....blogging.

Tuesday, February 16, 2010
Relihiyoso nga ba si Juan?
"Humayo kayo at magparami"
Isang pamosong linya mula sa bibliya na ginawang batayan ng mga Pilipino sa kanilang uri ng pamumuhay at ang resulta: OVERPOPULATION. Ayon sa National Statistics Office o NSO, mayroong apat na sanggol ang ipinanganganak kada araw at isa lamang ang binabawian ng buhay dito sa bansa. Sa ganitong kalagayan ay lumobo ang populasyon ng Pilipinas mula mahigit 88 milyon noong 2008 hanggang tinatayang 92 milyon sa pagtatapos ng nakaraang taon. Hindi maitatanggi na masyadong mabilis ang pagdami ng mga Pilipino at ang mabilis na pagtaas ng populasyon ay nagdudulot ng krimen, prostitusyon at kagutuman sa buong kapuluan. Bilang tugon sa nasabing suliranin ng bansa ay naghain ng panukalang batas na itatago natin sa pangalang RH bill o Reproductive Health Bill na isang bill para sa reproductive health...uhh..
Ilan sa probisyong maipapatupad sa pagkakataong maisabatas ang RH bill ay ang pagiging available ng mga artificial contraceptives tulad ng condom sa mga mas accessible na pamilihan tulad ng sari-sari store na hanggang sa ngayon eh napapangiti pa rin ako sa ideyang ito dahil naisip ko na parang binebenta itong parang candy:
Boy: Ate pabili ng condom...
Tindera: Ilan?
Boy: Isa lang po...
Tindera: (iaabot ang binili)
Boy: ay! hindi po ito, yung ribbed po
Tindera: Wala na kami nung ribbed, regular lang. Anong flavor ba?
Boy: Sige po ok na iyon basta choco o mint flavor po.
Tindera: (inabot ang condom at tanggap ng bayad)
Boy: (umalis ng nakangiti..)
Isa pa sa probisyon nito ay ang pagsama sa curriculum ng sex education. Sa totoo lang, hindi naman na bago ito dahil kahit wala pang RH bill ay tinuturuan na ang mga mag-aaral ng tungkol sa reproductive system, pagtatalik, mga contraceptives at higit sa lahat eh mga tamang pag-uugali patugkol sa sex.
Ang dalawang probisyong ito ay parehong tinututulan ng simbahang katoliko at mga moralista na nagsasabing ito raw ang magpapalala sa nangyayaring paglaganap ng imoralidad sa bansa lalo na sa kabataan. Gaya ng sabi ni Fr. Joaquin Bernas sa isang artikulo niya sa isang pahayagan na ang panukalang batas tulad ng RH bill ay isang batas na maraming mukha... "They must realize that there are provisions in the bill which run counter to the moral beliefs of some. They cannot overlook the fact that moral rules of our society and much of our civil law are based on religious values. At the same time, however, we must also realize that in our religiously pluralist society we can differ in matters of morality, especially sexual morality. Neither, however, is the bill totally bad. There are provisions in the bill which seek to answer the crying needs of women and important needs of young people, especially among the poor."
Isa ito sa mga patunay na naghahari ang relihiyon sa bansang maraming katiwalian...tulad nga ng isa sa mga signages na binanggit ni Bob Ong sa kanyang ikalawang aklat... "WELCOME to the Philippines, the only Catholic country in Asia... (sa ibaba) BEWARE of Pickpockets"
Ilang religious groups na ang nililigawan ngayon ng mga pulitiko para sa mga "bulk votes" na kaya nilang ibigay sa mga kandidato... Parang bidding tuloy ang nangyayari sa mga boto ng mga miyembro ng mga relihiyong nasabi... Ang miyembro naman ay buong pusong sumusunod sa dikta sa kanilang mga balota... mga masusunuring alagad ng Panginoon...
Sa dalawang pagkakataong nabanggit eh napatunayan ang pagiging impluwensyado natin sa mga paniniwalang relihiyon sa puntong nawawala na ang linyang naghihiwalay sa pagitan ng simbahan at gobyerno... Naalala ko tuloy ang article 2 section 6 na nagsasabing "The separation of Church and State shall be inviolable." na maaaring ipakahulugan na ang simbahan ay hindi maaaring makialam sa mga usaping pampulitika at ang anumang batas ay hindi kailangang isaalang-alang ang mga pananaw ukol sa relihiyon at ang iba pang bagay na kaakibat nito kaya nagtatanong ako ngayon kung bakit pinapayagan ang pagdidikta/pag-eendorso ng kandidato? Dapat ba talagang sumunod ang tao sa mga diktang ito? Kung oo, bakit? Kung hindi, matatanggal ka ba sa grupo?
Ayokong kwestyunin ang mga patakaran at polisiyang ipinatutupad ng mga religious group pero sa pagkakataong ito, may mga paniniwala akong nais kong ibahagi. Ang boto ay isang karapatang ipinaglaban ng mga ninuno natin at walang kahit sinuman ang dapat mangialam sa karapatang ito maging ang mga pinuno ng mga religious groups dahil para sa akin, hindi na dapat ipasakop pa sa Diyos ang mga usaping pampulitika... ang bagay na ito ay sadyang makamundo.... Ikalawa, kung mabuti ang aral ng isang relihiyon, hindi mo na kailangan pang diktahan ang mga miyembro nito kung sino'ng dapat na iboto dahil dapat masusi at maiigi nilang nakikilatis ang mga ito, mula sa plataporma hanggang sa personalidad...
At sa RH bill...anu nga ba ang mas mahalaga? Ang moralidad o ang praktikalidad ng buhay? Bilang isang katoliko ay naiinis ako sa pagtutol ng simbahan sa nasabing panukala dahil wala akong nakikitang mali rito... Ano naman ngayon kung mabili ang condom sa sari-sari store o ang maging mas maalam ang mga kabataan sa sex? Hindi ko makita na kahalintulad ito ng pagiging imoral... kung ang iniisip ng simbahan eh ang paglaganap ng premarital/teenage sex pwes, dito na dapat pumasok ang simbahan kasama ng mga magulang na bantayan at gabayan ang kanilang mga supling... ito naman talaga ang role ng mga magulang at lalo na ang simbahan.. ang gabayan ang mga anak nila sa tamang daan... Sa issue ng contraception, hindi naman pagpatay ng tao ang paggamit ng mga contraceptives, hindi man nga ito ang natural na pamamaraan pero sa panahon ngayon eh kailangan nating piliin ang "lesser evil". Kung hindi handa ang mga magulang sa anak, magiging mahirap para sa kanila ang palakihin ito at hindi nila ito mapapalaki ng maayos at hindi ba mas malaking kasalanan ito kesa sa paggamit ng condom o pills? Abstain? Paano mo uutusan ang mag-asawa to abstain from sex? Parte iyon ng kanilang pagsasama... Inevitable kumbaga...
Hindi ko alam kung bakit may problema akong ganito ngayon.. siguro dahil relihiyoso si Juan... pero malayo sa pagiging banal.... o baka naman ipokrito lang si Juan, nagpapanggap na isang taong hindi siya... isang nasyong nanatili sa nakasanayan na kahit burahin ng taon eh nanatili pa rin sa anino ng kahapon....
Ngunit gaya ng kontrobersya ng Noli at Fili, lilipas din ang isyung ito sa pagitan ng relihiyon at pamahalaan ngunit may mga bagong susulpot na mas malalaking problema na susubok kung relihiyoso nga ba si Juan...
Ako si Billie...relihiyoso pero di banal tulad ng iba pang Juan... blogging
Wednesday, February 10, 2010
Prrrt....
"Play fair. Dont hurt anybody. Say sorry when you hurt somebody."
- Robert Fulghum
Habang papauwi kahapon ay isang grupo ng kabataan at isang ale ang nakapukaw ng pansin ko, nagpaplitan na sila ng singhal at ismid sa isa't isa. Ang dahilan: kaingayan ng mga estudaynte sa loob ng tren. Sino nga ba sa kanila ang mali? Meron nga bang tama? Pero bago ang desisyon eh ito ang kwento...
...."Nag-aaral ba kayo?!?! ang ingay-ingay ninyo kanina pa ah!", anas ng ale sa grupo ng mga estudyante. "Kung ayaw ninyo ng maingay magtaxi kayo! maingay talaga dito kasi public to!", baluktot na katwiran ng isa sa mga estudyante. "Public nga ito kaya dapat na wag kayong mag-ingay!". Tumahimik ang mga estudyante. "Napakaiingay akala mo walang pinag-aralan..", mahinang sabi ng ale. "Tama na ate, hindi na nga kami nagsasalita,e", depensa ng isa pang estudyante. "Hindi nga kayo nagsasalita pero 'yang mga mukha ninyo" (nagmemake face kasi ang mga estudyante) usal ng ale, "akala mo mga hindi nagsisipag-aral..." dagdag pa nito. "Tama na nga ate!", pakiusap ng isa sa mga estudyante na tila naghudyat ng ceasefire sa pagitan ng dalawang kampo. Makalampas ang dalawang istasyon ay bababa na ang ale ng tren at kung akala ninyong tapos na ang laban ay rumesbak pa ang di patatalong mga kabataan ng "Bye!!!", isang pang-uyam na paalam sa isang taong halos doble na ng kanilang edad at ang magiting na ginang ay balak pa sanang bumalik para sa rematch pero hindi niya na rin ginawa. Buti na lang. Ang ilan ay napailing sa nangyari. Maraming nangiti o di naman kaya'y natawa. Meron din namang nagsabi na mali ang mga estudyante dahil sobrang ingay nila at ang ilan naman ay nagsabi na walang karapatan ang ginang na suwayin ang mga bata...kung magkagayon sino sa kanila ang tama at sino ang mali?
============================================================================
I was in my first year highschool when I along with my friends got scolded by a college student for our ill manner inside a jeepney. We are riding a jeep then, though the travel time isn't that long we still got bored and decided to chit chat inside the jeepney and as young people, we often forget that we are inside a public transportation vehicle and that we should talk in the softest manner possible. We really didn't notice that we are talking too loud until a woman who's about to alight told us "Wala ba kayong mga etiketa? Nasa pampubliko kayong sasakyan kalakas-lakas ninyong magkwentuhan" and then she alighted. We didn't answer back neither we have the opportunity to engage in a "word war" with her. We got humiliated and as kids in their adolescent years, we will never let it pass as easy as that and we said "Ayaw niya pala ng maingay edi nagtaxi sana siya! Jeep 'to kahit walang mag-usap maingay pa rin" and everyone seconded the idea... We know we were at fault but we just have to fight back... for our pride...
=================================================================================
1) Mali ba ang mag-usap sa loob ng pampublikong sasakyan? Mali ba ang gawing kaiga-igaya ang iyong paglalakbay kasama ang mga kaibigan?
-Hindi. Hindi kung nasisiguro mong ikaw lang at ang mga kaibigan mo ang nakakarinig ng pinag-uusapan ninyo o di kaya'y kung marinig man ng iba eh hindi ito nagiging abala o perwisyo saiba pang pasahero. Walang problema sa pakikiagkwentuhan lalo na sa loob ng pampublikong sasakyan pero alam mo rin sana na hindi lahat ng tao eh interesado sa paboritong pagkain ng nanay mo, kung ilan ang buhok ng aso mo o kung nakipag-ano ka sa bago mong syota. Wala rin kaming pakialam sa kinain ninyo kanina at dahil sabay-sabay ninyo namang kinain iyan, siguro hindi niyo na dapat pagkuwentuhan iyon. Huwag ninyo rin sanang idahila ang "hindi lang naman kami ang nag-iingay,eh. Bakit sila hindi ninyo puntahan at pagsabihan" dahil gaya nga ng sabi mo eh kailangan pang puntahan 'yung iba na iyon at dahil kayo ang nasa malapit eh kayo ag pinakanakakaapekto sa taong pumupuna sa inyo... at por dios por santo! Hindi ninyo ba pwedeng ibaba 'yung mic ninyo habang nag-uusap para naman humina ng konti ang mga boses ninyo?!?! Hindi na kayo mukhang nag-uusap. para na kayong mga komentarista sa basketball game...
2) Masama bang magsaway ng mga taong maiingay sa pampublikong sasakyan?
-Hindi rin. PERO. Alam mo rin dapat ang tamang salitang gagamitin. LAhat ng tao eh dapat maging assertive, 'yung tipong 'pag ayaw mo sabihin mo at kung gusto mo hingin mo pero sa magandang pamamaraan na walang egotismo ng ibang tao na naaapakan o nasasaling dahil sa oras na lumampas ka sa linya ng pagiging assertive eh aggressive na ang tawag sa iyo... Agresibo at ang bawat agresibong galaw ay nakakakuha lamang ng isang agresibong reaksyon... at magreresulta lang ito sa isang umaatikabong bangayan... BOOM! Imes na ikaw ang makapagpatahimik eh ikaw pa ngayon ang naging sentro ng atensyon at nagmumukha ka ng tanga dahil wala na ang puntong itinataas mo kanina at ikaw na mismo ang lumabag sa batas na ikaw rin ang nagbaba... Kung gusto mong magsaway, sa magandang paraan parang "Can you PLEASE tone down your voices? Thank you". Be courteous. Be generous with kinder words. Hindi naman binibili 'yun eh.
==================================================================================
The problem with us Filipinos is that we have good intentions but we lack the right words, need proof? here are some which I found on this link http://www.symbianize.com/showthread.php?t=121134 :

SEE!??!
====================================================================================
Gaya nga ng sabi ng marami, ang isang bagay na tama ay nagiging mali pag mali ang paraan... Dapat sabay. Synchronised baga. Hindi pwedeng isa lang. Hindi effective. KAya sa susunod na mag-iingay ka siguraduhin mong wala ako... o 'yung aleng nang-away dun sa isang grupo ng estudyante... see you soon friends!
I am Billie.. blogging..

Thursday, February 4, 2010
I'm perfect...Imperfect
While watching an early noontime show, I never thought that I would hear one of the most sensitive words I would hear in my lifetime and the line goes like... " Wala kang kapintasan, meron ka lang katangian". The gay comedianne referred to how the midget contestant viewed himself as having a disability yet trying to achieve something and at that point found the opportunity with dancing. The gay comedianne also related his feelings about his situation in the society as a gay. He stated that as a gay, everyday seems a battle and a never-ending challenge to prove himself.
But whether you're a midget, a gay or just like anyone of us, we are never free of people's ridicule and everyday seems to be a daily struggle to fit in...
=========================================================================
Habang naglalakad ako sa kahabaan ng Mendiola sa tapat ng San Beda, napansin ko ang isang babaeng walang kamay pero merong dalang mga libro at bakas sa kanya ang tiwala sa sarili na hindi makikita sa mga babaeng nakakasalubong niya na napapasulyap sa kanya at nag-iiwan ng mga tingin na mapang-uyam...dahil ba wala siyang kamay?!?! Siguro. Pero ano bang hindi niya kayang gawin maliban sa makipaghigh-five?!?! malamang kaya niyang magsulat dahil estudyante siya, marunong siyang magbasa dahil may dala siyang libro... at may manner siya dahil di niya inaway 'yung dalawang babaeng tumawa sa klagayan niya...
Hindi naman dapat maging big deal ang pagkakaroon ng kapansanan,eh minsan nga mas nagiging drive pa ito ng mga taong ito para maging mas mabuti at mas mahusay na tao. Tingnan natin si Stevie Wonder bulag pero magaling na musikero, si Helen Keller deaf, mute and blind pero magaling na writer at naging kilala sa kanyang positibong pananaw sa buhay, si Franklin Roosevelt a tatlong termino nagsilbi bilang pangulo ng Amerika pero nagkapolio at hindi nakakalakad at si Tom Cruise dyslexic pero magaling na artista kahit na di niya kayang basahin ang script...Ilan lang sila sa naging succesful na taong may natatanging trait na nangangahulugang hindi naman hadlang ang kapansanan sa pag-abot ng pangarap...
============================================================================
Let's go to the minor imperfections like scars, flat nose, or anything which may not fit in with the current standard of beauty.
We have all been a victim of such imperfections because no one is REALLY satisfied with the way he or she looks, one may feel a little too fat or a little too skinny, one's nose may be too flat or the mouth is relatively bigger than most of his friends, some girls may feel that their boobs are way smaller or to a few Filipinas bigger than most of her colleagues( good thing, men's tools are not publicly subjected to size comparisons )... whichever way, it's a dilemma a lot of people face nowadays. BUT WORRY NO MORE... because aesthetic medicine is here to stay and solve all your problems about these minor imperfections. You will be imperfect no more and this superficial beauty is achieved in no time but with a price tag which will just add to your "market value".
But with recent controversies like a breast cancer which was not detected due to a breast augmentation, infection due to butt augmentation and a bigger problem due to a penile enhancement/enlargement, is it really cool to undergo some aesthetics operation?!?!
===============================================================================
Hindi naman na dapat pinagtatalunan kung sino ang mas may kwenta at kung sino'ng wala... kung sinong mas mahalaga at kung sino'ng dapat itapon na lang... kung pwede ba talagang magkaroon ng silbi ang mga itinuring nating wala nang pakinabang at ang mga inaasahan natin ang siyang papalpak sa bandang huli...
Siguro nga mayroong mga kapintasan ang bawat tao at ang mga ito kasama ng mga strengths natin ang nagpapa-unique sa atin... it makes us feel human... kaya nga siguro nobody's perfect...kasi kung meron mang maging perfect ang unfair naman.. kung lahat naman perfect, malamang hindi rin natin malalaman...pero kahit anu pa tayo at anumang itsura natin, planado daw ito... planado Niya raw ito... kung plano niyang magparetoke ka... 'yon ang hindi ko alam...
Wala namang mali kung gusto mong burahin ang imperfections mo sa mukha, katawan at lalo na sa ugali... kung paano mo makukuha ang pagbabagong iyon eh ang mas mahalaga...
Kung wala kaya akong kamay, nakapagblog pa rin kaya ako?!?! At kung bulag ka, matuto ka kayang gumamit ng computer?!?!?
Ako si Billie.... blogging...
Sunday, January 24, 2010
One Day Added

photo credits: southdakotapolitics.blogs.com/south_dakota_politics
Isn't it wonderful if one day comes that we do not have to bother about degenerative diseases and incurable ones like cancer, diabetes or even an amputated arm? Wouldn't it be nice if one day comes that all of our pains will be lost and old age will never be a part of human's vocabulary because looking young and feeling young is very much available? But dreadful as it is amazing that the rich and famous wouldn't have to bother about death... These are some of the claimed advantages humans will experience when the intensive research about stem cell regeneration is done.
But like any other medical or technological advancements, conservatives are questioning its morality because (1) it's similar to cloning and the more controversial (2) the use of embryonic stem cell.
==============================================================================
Itinuturing na isa sa pinakamalaking medical breakthrough ang pagkatuklas sa stem cell na mayroong tatlong maaaring pagkunan; ang una ay ang adult stem cell na ang pinagkunan ay ang mismong gagamit nito na magpapababa ng tsansa na ireject ng katawan ang stem cell. Kadalasang natatagpuan ang adult stem cell sa iilang tissues tulad ng sa likod ng tainga, bone marrow at ilan pa na magpasahanggang ngayon ay tinutuklas pa. Ang ikalawa ay ang umbilical cord blood kung saan ineextract ang stem cell sa bagong putol na umbilical cord ng sanggol at ang huli ay ang embryonic stem cell na kung saan ay nangangailangang sa isang embryo kunin ang stem cell na sinasabing pinakamabisa sa lahat ng mapagkukunan ng stem cell ngunit pinakalabag di umano sa moralidad na pinaaandar ng mga tao dahil sa pagkuha ng stem cell sa isang embryo ay nangangailangang mawala na rin ang nasabing embryo. Bagaman sinasabi ng mga eksperto na nag-aaral ukol sa stem cell regeneration na ang mga ito ay wala pang human features ay nananatiling tutol ang mga moralista at sinasabing maihahalintulad ito sa "murder" lalo pa't ang bisa nito sa paggamot ng mga karamdaman ay hindi pa napatutunayan.
=================================================================================
You may be asking now, why use embryonic stem cells if there are stem cells found in an adult's body as well as in an umbilical cord's blood? Well, according to studies, the adult stem cell is the least potent and in fact, the mices which were used in the experiment to cure Parkinson's disease incurred bain tumors later on and said that it is caused by the stem cell placed on them. On the other hand, the umbilical cord blood has a limited stock and has a higher chance of rejection in the body if transferred to a person who has very little or no blood relation whereas the embryonic stem cells are very much available with the use of invitro fertilization and is claimed to have the highest rate of potency. The researchers also said that no embryos are to be made for the sake of research.
==================================================================================
Ano nga ba ang bottom line nito?!?
Sino ba ang mas mahalaga: yung buhay na o 'yung mabubuhay pa lang? Yung humihinga o 'yung hinihintay pa lang na ipanganak?
Paano kung ang buhay ng sampung katao ay nakasalalay sa stem cell ng isang embryo, sino'ng pipiliin mong buhayin?
Kung sa mga susunod na panahon ay makagawa na ng desisyon ukol rito at magwagi ang agham laban sa adhika ng mga taong mataas ang moralidad, malamang mayroon na tayong makikitang 70 years old na matanda pero "chick' pa rin ang tawag o di naman kaya'y nadapuan na ng halos lahat ng uri ng cancer pero staying alive pa rin at malamang rin na maraming anghel ang mapapaaga ang destinasyon sa langit...
Ang galing ng stem cell... eternally regenerating.. kung lahat ng cells eh ganito, wala na tayong pangangailangan sa mga bagong tao... wala na ring trabaho si Belo o Calayan... kung lahat ng cells eh ganito, malamang hanggang ngayon ay buhay pa si Hitler o di naman kaya'y buhay pa si Tita Cory... Kung ganito lang ang lahat ng cells, wala nang relihiyon dahil bihira na ang taong mamamatay at wala na tayong kailangan sa kanya dahil aminin man natin o hindi, pwesto sa langit o di naman kaya'y malakas na kalusugan ang hiling natin sa Kanya palagi.... Kung lahat sana ng cells ay stem cells... wag na lang sana...
===================================================================================
After some years, we will be seeing the end-product of the stem cell research and may it bring more positive results than negative... Long live the Earth and the human race! I am Billie... blogging.
Wednesday, January 20, 2010
The New Gourmet

Before I went home, I got curious with one of the food stalls at LRT2 Katipunan Station, they are selling the sweet and oh-so yummy food I really missed called "ice crumble" or we typically call "iskrambol". It's pink, it's cold, it's sweet and topped with powdered milk and choco syrup. hmmm... delicious, isn't it.
I never thought that I would be eating this food again because my mama told that it's made in a very unsanitary way and those who are selling it has picked their booger or scratch their butts before serving me the food so I obliged and never tried to eat it again until now because I am quite certain that it was prepared in a clean place and that the sellers are taught about proper sanitation and if I may incur stomachache due to their lack of sanitation, I can always complain and have someone to run after; since I am perfectly fine, I assume that it's clean.
==========================================================================
Sa pagkain ko ng iskrambol eh naisip ko na napakamoderno na ng mundo ngayon na ang pagkaing nabibili lang sa harap ng eswelahan nuon o di kaya'y sa luob n palengke eh mabibili mo na rin sa mga istasyon ng tren at baka sa ilang shopping malls. Ito rin ang nangyari sa fishball, kikiam at kwek-kwek na lumawak ang market mula sa mga bata at masa na tumutuhog lang at sabay-sabay na nagsasawsaw sa garapong puno ng sauce na matamis, maanghang o di naman kaya'y mix at syempre ang napakasarap na suka na merong sili at konting panimpla hanggang abutin na nito ang mga middle class na meron ng tila platong pinaglalagyan at mas maliit na stick ang gamit para sundut-sundutin ang mga fishballs. Sa akin, mas gusto ko pa rin ang tradisyonal na pagkain ng fishball dahil ito ang nagpapatatag ng bond ng mga Pilipino pero dahil nga sa mga nakaraang paglaganap ng hepatitis at gastroenteritis ay mas pinipili na ring ganito ang gawin lalo pa't sa mall na kadalasang nakikita ang mga fishball carts.
-----------------------------------------------------------------------------------
I can see that in the next years, we would be seeing this food in a more gourmet manner. Fishballs would be eaten as appetizers served in a platter with basil on top or some garnishes like chili flakes, main course includes isaw, barbecue or some nicely cooked betamax, sago't gulaman is served in a tall glass while ice crumble as dessert would finish the new gourmet meal... it would be a nice set for a date, don't you think?
===============================================================================
Bilang isang tao na lumaki sa kanto, natutuwa ako sa tuwing kumakain ako ng kwek-kwek, fishball at kikiam pero kung hindi na ito nakakatulong sa kalusugan mo o nnagbibigay banta sa lagay mo lalo na't kilalang mataas sa kolesterol ang mga pagkain sa kalsada tulad ng balut at kwek-kwek, magmenor lang ng konti dahil mas malaki ang mawawala sa iyo sa oras na nag-indulge ka rito ng sobra.
==============================================================================
Ice crumble brought me back to the past while I am pouring it in my throat... nice feeling...
Tomorrow, I will eat fishballs... I am hungry Billie... blogging.
photo credits: http://www.facebook.com/pages/Ice-Crumble-ISKRAMBOL/78377053416?v=info
Wednesday, January 13, 2010
White Light
"Even though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil for you are with me. Your rod, your staff, they comfort me"
- Psalm 23:4
I am afraid to die.
Who isn't?
Many clergymen might say that if you really believe in God Almighty, you will never fear death or anything which may bring it so long as you believe in him and follow His will... but the question still lies in my head... what will happen to me after death?
Death has always been an avoided topic but whether we like it or not, it's something we could never avoid... something which we are born with... deal with it.
====================================================================
Maaagnas lang naman tayo at kakainin ng mga uod at magiging pataba sa lupa tulad ng lahat ng uri ng bagay na nabubuhay sa ibabaw ng lupa. Sumusunod tayo sa chain... sa isang siklo ng buhay. -Agham
Ang kamatayan ay ang siyang nagdidikta ng kapanganakan natin sa kabilang mundo kung saan ang mga tapat na sumampalataya sa Panginoon ay mabubuhay kapiling Siya sa habang panahon. - Simbahang Katoliko
Bukod sa dalawang nabanggit, may paniniwalang Hindu na nagsasabing hanggang hindi nagagawa ng isang ispirito ang kanyang misyon o tungkulin, patuloy siyang babalik at babalik sa mundo. Ang mga ispiritista naman ay naniniwala sa vortex na kailangang tawirin ng mga kaluluwang handa ng pumunta sa kabilang mundo at ang mga kaluluwang di pa panatag ay kailangang uminom ng Lactum para maging 100% panatag kung hindi ay mananatili siyang nagliliwaliw dito sa mundo bilang isang multo na tulad ng katabi mo kagabi sa pagtulog mo.
Pero ano nga lang ba ang sigurado sa kamatayan.
-------------------------------------------------------------------------------------------------
Death is the retirement of our physical body.. whether our spirits will take their own journey or not, we don't know or will never know until we're alive.
It is bidding farewell to our loved ones. The last chance to tell them how much we love and value them, and also how much we are thankful for having them around. The only moment when we are not hated but so much missed. The time when our achievements outweighed the shortcomings. The only time when we're ridiculed less and understood most.
No consoling word can ever amount to the pain of a death... No one can calm the most troubled hearts of those who were left behind and no guilt can ever compare to those who have not expressed the love which was there all along waiting for the perfect moment which never came.
Death is a dreadful event which may happen to anyone.... painful as it is to anyone...
I don't want to die yet for I am afraid...
-------------------------------------------------------------------------------------------------
Gusto kong makita kung saan ang destinasyon ko bago ko mamatay, mga dalawang araw bago ako mamatay... para mawala ang takot at pangamba... para hindi ko maramdaman na wala palang dapat ipag-alala...
Hanggang sa aking makita ang puting ilaw... ako si Billie... blogging...
Sunday, January 10, 2010
Aye Aye Captain!
It matters not how strait the gate,
How charged with punishments the scroll.
I am the master of my fate:
I am the captain of my soul.
Ang mga linyang iyon ay ang huling stanza ng pamosong tulang Invictus ni William Ernest Henley. Isang tula na tumatalakay sa pagiging isang mas matapang at determinadong tao na kayang humarap sa kung anumang hamon ng buhay... isang katangian na tinuro sa atin ng ating mga magulang.
2nd semester ng aking ikalawang taon sa college. Isang essay mula sa isa sa aking kaklase ang pumukaw sa aking interes... ang topic: Taking care of our parents in their old age... Lahat yata kami eh sinabing isa itong tungkulin ng mga anak na bagaman hindi hiningi ng mga magulang natin eh kailangan nating tuparin at least para na lang sa social approval na kadalasan nating pinahahalagahan ng sobra. Pero obligasyon nga ba talaga natin na alagaan sila?
-------------------------------------------------------------------------------------------------
I really find it unfair that we, children of our parents, feel obliged to look after them during their golden years... that no matter how bad they were towards us or how bad our childhood was because of them, we are still forced by the society to look after them and treat them the nicest way we can... This is not a personal sentiment for my parents are considerable and fair enough but I know a lot of people who were not properly raised and was not given enough love and affection by their parents but when their parents grew old, they were expected to treat them with utmost love and affection. And if we don't.. we are the worst person alive...

Bilang isang anak, pakiramdam ko eh hindi na natatapos ang tungkulin natin bilang anak... 'pag bata ka eh kailangan mong magpakabait, sundin ang gusto nila, wag gawin ang bawal at kahit hindi bawal eh kailangan mo pa ring ipagpaalam... If you turned out to be a big disappointment, sasabihin na wala kang kwentang anak kahit na sinubukan mo ang lahat ng makakaya mo samantalang ang mga magulang pag napakain nila ang anak nila nang tatlong beses kada araw at nasabihan ng konti dahil nagkamali eh tapos na ang araw nila bilang magulang...

I think and believe that however we treat our parents in their prime age should depend on how they treated us when we were kids... we should give them what they deserve... Society should never meddle on these things, after all, it's a personal matter...
I believe that taking care of our parents is more of an act of gratitude rather than an obligation... so if you're a parent then be a good one.... Good parents are not born.. they're made... and they also bear good offsprings as well...
I said a lot... but only the last part made sense... Sorry... I have so many thoughts running in my head... 'till next time... I am Billie.. blogging.

Subscribe to:
Comments (Atom)