Thursday, August 13, 2009

Reminiscing: Elementary Days


Para sa pangatlo kong post, pinili kong magsulat sa tagalog. minsan hirap akong magsulat sa tagalog lalo na 'pag ipababasa ko ito sa mga tao gayunpaman, itutuloy ko na.

Namimiss mo ba ang elementary days mo?

'Yang tanong na iyan ang pumasok sa isipan ko noong magreklamo ang isa sa mga tutee ko tungkol sa walang katapusang pinapagawa saa kanila sa school at tutorial center pero mas nangibabaw sa akin ang pakiramdam ng pagkamiss sa mga nangyari nuong elementary ako kesa halukayin ang baul ng paghihirap na naranasan ko noon bilang isang elementary student.

Nag-aral ako sa isang pampublikong paaralan, nung mga panahon na iyon hindi pa masyadong siksikan ang mga estudyante, sa classroom namin nasa 40-50 ang estudyante sa ibang silid umaabot ng hanggang 70 pero depende iyon sa laki ng classroom pero noon pa man eh ramdam na ang kakulangan sa guro at mas malaki ang kakulangan sa mga mababait at mahuhusay na titser dahi lsa tuwing umaabsent ang titser, walang substitute, pinapalipat kami sa ibang classroom, medyo badtrip kasi wala rin naman kaming natutunan dahil medyo marami at wala rin naman kaming inuupuan kundi 'yung sahig dahil walang sobrang silya sa kwarto, sa katunayan, kulang pa nga ang upuan at mas kulang ang upuang pwedeng upuan, gets mo?

Pero hinding-hindi ko naman ipagpapalit ang mga taong iginugol ko doon para palitan ng mga taong pwede ko sanang gugulin sa private schoool dahil talaga namang nasiyahan ako sa pananatili ko doon at dahil ito sa mga sumusunod:

Teachers.
Malaki ang kaibahan ng mga guro sa public at private schools. Kadalasang mas may edad ang mga teachers sa public kesa sa private, mga tatlong henerasyon lang naman. Mas pawisan din ang mga guro sa public na minsan parang hindi na lang sila nagtuturo parang kinakarga pa nila isa-isa 'yung estudyante kung makikita mo kadalassan ang pawisang mukha ng mga teachers at halata rin sa mga uniporme ng mga public school teachers ang kakapusan ng sahod. Ngayon, malamang magtataka ka kung bakit mas gusto ko sa public sa kabila ng mga ayos ng mga teachers at 'wag na nating isama ang paminsan-minsang burst-out ng mga teachers lalo na 'pag nadelay ang sweldo. Isa lang ang dahilan, dahil sa kabila ng mga kondisyong nabanggit ay ginusto pa rin nila kaming turuan at hindi dahil sa sweldo kundi dahil sa kagustuhan nilang ibahagi ang mga natutunan nila sa mga nakaraang taon ng buhay nila.

Kaklase.
Hindi ninyo iisipin kung sinong mas may pera sa mga kaklase mo dahil alam mong hindi naman talaga mayayaman ang mga kaklase mo dahil sa public nga kayo nag-aral. Masayang pumunta sa mga bahay ng mga kaklase mo dahil kadalasang walking distance lang at handa ang kanilang mga nanay na ipaghanda kayo ng meryendang kadalasan eh tinapay mula sa bakery sa kanto na parang tatlong araw na'ng tagal sa estante pero ok lang basta libre masarap na rin. Nakkapaglaro rin kayo ng langit-lupa at taguan dahil hindi naman lahat sila eh may computer o playstation na hinahabol laruin sa bahay at wala rin silang binabayarang tutor kaya hindi nagmamadaling umuwi ng bahay. Simple lang ang gusto ninyo at pare-pareho kayo, gusto niyo lang ay maglaro at magpakasaya.

Paaralan.
Hindi bawal magvandal kasi marami na, minsan gusto mo pa ngang bawasan ng konti ang mga vandals eh. Walang isasauling libro sa library dahil walang laman ang library at walang masisirang aparato dahil wala kayo nuon. Masustansya ang pagkain sa canteen pero 'di ka sigurado sa linis nito. Pero kahit ganoon, dito naranasan ko'ng maging bata...hanggang sa lumaki ako bilang mas mabuting matanda...

Marami pa akong kwento.

I am your bloggista leaving an inkblog.

No comments:

Post a Comment

Followers