Saturday, August 29, 2009

Pondering: Bestfriend

Sinong bestfriend mo?

Naaalala ko pa kung paano ko tinatanong iyan sa lahat ng mga kaklalase kong napapalapit sa akin sa pag-asang bestfriend nila ako...nakakatawa kung gaano ko pinahahalagahan NOON ang isang tawag na hindi naman talaga ang importante, gaya nga ng sabi ng kaibigan ko "ang kaibigan ay kaibigan, kahit anong tawag mo basta kaibigan mo, yun sya!". Pagdating ko ng hayskul, nagkaroon ako ng tatlong bestfriend, 'yung isa pareho kaming weird kaya naman nagkakasundo kami, 'yung isa super bait at massayahin kaya gusto ko siyang kasama madalas at ang huli ay napakamapanlait at masungit pero siya ang ultimate bestfriend ko at kahit di kami masyado magkita kahit malapit lang ang bahay namin sa isa't isa eh parang hindi kami naghiwalay kung mag-usap 'pag nagkita ulit.
Kanina sa pagtingin ko sa Friendster at Facebook account niya eh nakita ko ang bago niyang group of friends sa mga pics na in-upload niya at nakaramdam ako ng lungkot. Naisip ko, gaano pa kaya katagl kaming magiging magkaibigan kung ngayon pa lang eh may kanya-kanya na kaming mga buhay at iba na rin ang mga grupo ng kaibigan na meron kami...Nakakatakot na mawala at masayang na lang ang halos 8 years naming friendship at ilang taon ng pagiging bestfriends.
Ano nga ba ang bestfriend? Sapat na ba na magkasundo kayo palagi o madalas kayong magkasama? Okay na ba 'yung hindi kayo nagtatalo at masaya kay o'pag magkasama kayo? Kailangan bang isa lang ang bestfriend?
Hindi ko alam ang mga sagot pero sa tingin ko 'pag bestfriends kayo eh hindi naman pwedeng magkasundo kayo lagi at hindi na nagtatalo, ang kailangan lang eh nagcocompliment kayo sa isa't isa. Okay na 'yung magtalo basta sa huli tanggap niyo na mayroon kayong mag pagkakaiba at hindi niyo na dapat pinagtatalunan kung sinong tama o mali, ang importante nasasakyan ninyo ang tama ng bawat isa. Hindi rin naman maganda ang lagi kayong magkasama dahil hindi naman kayo magsyota...bestfriends lang. Alam ninyo dapat kung anong posisyon ninyo bilang bestfriend..may mga pampribadong aspeto sa buhay kasi ang bestfriend ninyo na hindi niyo dapat hinahakbangan. At higit sa lahat, hindi naman importante kung ilan ang bestfriend na meron ka basta alam mo kung paano sila pahahalagahan pero darating ka talaga sa punto na merong kaibigan na pinakaiintindi sa iyo at makakasundo mo, kung sino man iyon, hindi naman kailangan lagyan ng label na bestfriend mo siya...it happens naturally. At hindi porke't bestfriend mo eh bestfriend ka rin... hayaan mong 'yung kaibigan mo ang tumuring sa iyo... hindi mo dapat ipilit dahil treasure ang kaibigan hindi lang basta possesion na dapat may pangalan, iniingatan ito at tinatago ng mabuti ang mga ala-alang naipon ninyong dalawa... dahil kahit hindi man kayo maging magkasama sa huli, ang mahalag naranasan mong magkaroon ng kaibigan na kaya kang suportahan at tulungan sa mga panahong kailangan mo sila at makisaya sa oras ng iyong tagumpay.
Ako ang inyong bloggista....leaving an inkblog.

No comments:

Post a Comment

Followers